Wednesday, February 14, 2007
heart's day daw oh. :))
nakalimutan kong ipaalam sa inyo na unfortunately, nabreak ko na ang resolution ko. last friday, uminom kame ni tin sa 1611. wala lang. bonding. may problema din kase yung tao. tapos yun. kawawa naman. kung sino talaga nakaimbento ng love sasampalin ko eh. hahahaha. lahat ng tao sinasaktan. tsk! pero ayus lang. kase kailangan yun eh. yun yung masaklap don. KAiLANGAN sha.
sabe pa ni tin, "sana yung tamang tao na lang yung pinagluluksaan ko.." ang lungkot di ba? tapos sabe nia, "may loneliness sa mundo na kahit alcohol hindi kayang alisin. kahit yung taong pinakamamahal mo hindi alam kung ano ang puede niang gawin.." aaw. =(
balentayms ngayon. hahaha. ang dameng taong nagsasaya. pero ang hindi ko maintindihan, bakit may mga taong nagluluksa. hah! hindi kaya dapat pinapagluksaan ang mga taong hindi deserving. di ba?
anung oras na ko nakauwe. haha. bangbading kase ni ian! ang arte pumili ng bouquet. first time lang naman nia makikilala yung girl. err. nagpasama sha samen ni moi pumunta dangwa para humanap ng flowers para sa chikas nia. nakailang balik kame. grr. pero ayus lang, linibre naman nia kame ng float. hahahaha. muka akong libre. =))
hmm.. salamat pala sa mga nagbigai ng kung ano ano. [letter, flower, balloon, etc.] salamat po sa inyo. =)
wee. ang saya ko naman. wala naman dapat ikasaya. sorry ah, mababaw ako eh. hahahaha.
HAPPY HEART'S DAY EVERYONE! =)
and oh, HAPPY BiRTHDAY MY DEAR BiATCH CHiA! i soo love you. :)
|
11:33 PM
